Group's posts with tag: activity

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag activity
EventTO ALL GUHIT PINOY MEMBERSJun 24, '08 6:02 AM
by Liza for everyone
Start:     Jun 24, '08 06:00a
WHAT : 1ST GUHIT PINOY DRAWING ANG PHOTOGRAPHY SESSION
WHEN: JULY 4, 2008 /friday
WHERE: SAFA PARK
TIME: 3:30pm

Magkita-kita po tayo mga kapatid sa sining!
inaasahan po namin ang inyong pagdalo.

MARAMING SALAMAT PO!
MABUHAY ANG MGA ANAK NG SINING!


Photo AlbumART EXHIBIT / April 2008 (38 photos)Apr 15, '08 10:13 PM
by Liza for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
"Dubai Ladies Club Annual Competition"
exhibit po ito ng mga finalist entries
at isa po nating ka-guhit ang mapalad na nakapasok (nag-iisang pilipino)
mabuhay ka JAPAT! mabuhay ang mga artistang pinoy!
entry : Mixed media "System of Humanity"
mabuhay GUHIT PINOY!!!

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Blog EntryMabuhay ka KaGuhit!Mar 11, '08 4:46 AM
by Michael for everyone

Congratulations GuhitPinoy Dubai!


Isang malaking karangalan para sa ating mga Pinoy Artists ang mapabilang sa mga exhibitor ng Global Village, Philippine Pavilion. Iilan pa lang tayo sa mga nabigyan ng pagkakataong makapagpakita ng ating mga dibuho at masterpieces with a global audience dito sa Dubai. Napakainit ng pagtanggap 'di lang ng ating mga kababayan pati na nang ibang mga lahi sa ating mga likhang sining. Masasabi nating nakalikha na tayo ng ugong at hindi nga kaila na may mga imbitasyon na tayo sa iba't-ibang industriya at establisimiyento dito sa UAE.


Dahil dito, itinuturing ngayon na ang exhibit ng GuhitPinoy Dubai ay isa sa mga matagumpay na Art Exhibit ng mga Filipino dito sa bansa, at ito ay nagsilbing sinag para sa iba't-iba pang organisasyon na magsagawa ng pareho ring adhikain. IKAW kaGuhit ay isang inspirasyon sa mga katulad mong artist para magkaroon ng lakas ng loob upang ibahagi at ipakita ang galing ng tunay na Pilipino.


Marami ang napangyari at natutunan ang bawat isa sa atin sa kaganapang ito. Nandoon na natalisod tayo sa mga problemang dumating, na-excite sa mga activities na gagawin, nagulat sa mga di inaasahang pangyayari sa buhay ng ating mga kasama. Subalit sabi nga ni Oscar Wilde... "Life imitates art far more than art imitates Life."


Kung kaya para sa akin ang istorya ng GuhitPinoy Dubai ay parang isang malaking canvas. Nakapagsimula na tayo at nagawa na natin ang "Unang Guhit." Marami pang puting espasyo ang di nadudungisan at higit pa ang pintura at pinsel na hindi nagagamit. Nasa iyo na KaGuhit kung ano ang susunod mong hakbang.


Sa ngayon, isinaayos na ang ating pormal na membership sa Embahada ng Pilipinas at ang ating exhibit sa Philippine Pavilion ang magiging susi upang tayo ay tanggapin ng walang alinlangan. Sa darating na buwan ay magkakaroon tayo ng serye ng pagpupulong para sa mga hinaharap na aktibidad at inaasahan ng bawat isa ang inyong partisipasyon.


Samantala, sa ngalan ng GuhitPinoy Global, batiin natin ang GuhitPinoy Dubai ng isang makabayan at mapagpalayang tagumpay sa larangan ng Sining Pilipino.


Mabuhay tayong lahat!


Photo Albumguhit pinoy @ salt n pepper (16 photos)Jan 11, '08 3:12 AM
by jeff for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
meeting pictures

Blog EntryGUHIT PINOY DUBAI ACTIVITY! SOONJan 5, '08 10:20 AM
by japat for everyone

Ang grupo ay magkakaroon ng on the spot art session ngayong bwan na ito..inaayos pa ang kalendaryo ng aktibidad..will be post it here pag ready na..inaasahan namin ang inyong partisipasyon at suporta..MABUHAY ANG PINOY ARTIST!

 

 

GPD

 

 


GUHIT PINOY DUBAI
Join this Group!RSS FeedHelp on RSS FeedsAdd to My Yahoo
Report Abuse
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help