Blog EntrySTRENGTH AND HONOR!!!Apr 27, '08 8:59 AM
by Michael for everyone

Kumusta na mga KaGuhit!


Hanggang ngayon ay nakalutang pa rin sa alapaap ang mga taong nakakaalam at may kinalaman directly or indirectly sa panalo ni Japat Guevarra, isa sa mga officer natin dito sa GuhitPinoy, sa nakaraang Dubai Ladies' Club- Sheikha Manal's New Signature Young Artist Award 2008 - Fine Arts Category.


Tandang-tanda ko pa ang mga kuwentuhan namin noon tungkol sa puyat na dinaranas ni Japat bago ang deadline sa submission ng kanyang Obra. Sa aking pagkakaalam ay muntikan pa ngang hindi ito umabot. Makikita nyo rin sa kanilang Multiply site ang mga kuha ng kanyang maybahay na si Liza nang mga gabi o madaling araw na nakasubasob si Japat sa kanyang pagpipinta. Kasama ang kanilang anak na si Mac, isa sa mga nagbigay inspirasyon sa kanya.


Sa pagkakataong ito ay masasabi ko na hindi lang galing ang kailangan upang makagawa ng isang obra, kundi kailangan din ng tibay ng katawan at disiplina. Marami sa ating mga artists ang lunod at minsan ay nakakaramdam ng kakaibang "high" kapag tayo ay napupuyat, at parang isang medalya ang naisasabit sa atin ang bawat araw na sumisikat sa tuwing nalalampasan natin ang isang umaga.


Subalit hindi lang din pisikal na lakas ang kailangan natin upang mairaos mo ang anim na oras ng isang madaling araw. Ang mas nagbibigay ng tunay na lakas sa atin ay "ang mga inspirasyon natin sa buhay." Ang maramdaman mo lang na kaisa mo sa layuning iyong tinatahak ang iyong pamilya o mga mahal sa buhay, ang mga kaibigan... ay isang ganap na bukal ng walang patid na kalakasan.


Tagumpay... karangalan...? Bunga na lang ito nang sakripisyo, nang mga oras, pawis at dugo na iyong binuwis upang bigyang katuparan o suklian ang kalakasang ipinapahid ng mga kaluluwang tumutulak sa iyo upang marating ang tuktok ng isang matarik na paglalakbay.


Sa huli, ang dalawang bagay na ito ay parang "hopia" hindi puwedeng wala ang halok ng bawat isa. Sa isang kagat may monggo o baboy kang malalasahan. Ang bawat sakripisyo ay may kaakibat na tagumpay. Kundi man natin maramdaman agad, matuto tayong maghintay. Sabi nga sa site ni Liza, "count your blessings, not your troubles."


At isa nga ang kaganapang ito sa buhay ng ating KaGuhit na si Japat, patunay na ang pagsisikhay ay susuklian ng kabutihan at ng pagpapala.To quote a blockbuster movie's famous line..., Strength and Honor! Two tenets that should really inspire us to do our best in everything we do, and that goes especially to us, Filipino Expat Artists. "Strength for Self, Honor for Country."


Mabuhay ang Artistang Pilipino! Mabuhay ka Kabayan!


1 Comment
mokla wrote on Apr 27
MABUHAY ANG PINOY ANG LAHAT NG ARTIST SA BUONG MUNDO!!!!!!!!!!!!!1
Add a Comment
   
GUHIT PINOY DUBAI
Join this Group!RSS FeedHelp on RSS FeedsAdd to My Yahoo
Report Abuse
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help